-- Advertisements --

Papanagutin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson, Atty. Romando Artes ang mga punong barangay sa Metro Manila na magiging pabaya sa mga pagharang ng mga sasakyan sa Mabuhay Lanes.

Kasunod ito sa pinaigting na clearing operations ng MMDA sa mga iligal na nakaparada sa Mabuhay Lanes para mapaluwag ang daloy ng trapiko.

Gagawing alternatibong daan ang nasabing Mabuhay Lanes ng mga sasakyan para hindi sila magsisiksikan sa mga pangunahing kalsada.

Aabot sa 131 barangay ang nasasakupan ng Mabuhay Lanes sa buong Metro Manila.

Dagdag pa ni Artes na patuloy ang kanilang pag-iikot at sakaling makita nila ang kapabayaan ng isang punong barangay ay kanila itong papanagutin.