-- Advertisements --
Patuloy ang isinasagawang panghuhuli ng Metropolitan Manila Development Authority Special Operations Group – Strike Force sa hindi awtrorisadong mga sasakyan sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Ayon sa ahensya, umaraw man o gumabi ay naninita at naniniket pa rin sila at nito lamang ay may nahuli sila sa EDSA Extension Pasay at Anda Circle Manila.
Dito ay natagpuan nila ang apat na van at isang out-of-line bus sa kanilang inilunsad na magkakahiwalay na anti-colorum operation.
Ang nasabing operasyon ay isinasagawa bilang bahagi ng kanilang kampanya upang pairalin ang disiplina sa kalsada, pagprotekta nila sa kaligtasan ng mga pasahero at para na rin mailayo ang mga mananakay sa mga nananamantala at nananaga nang sobrang pamasahe.