-- Advertisements --
MMDA floods clealiness

Inilagay ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council sa Bravo alert ang buong Metro Manila.

Ibig sabihin nito ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes nasa in moderate risk ang rehiyon dahil sa bagyong Betty.

Saad pa ng MMDA official na nakabantay sila para sa posibleng matinding pag-ulan na idudulot ng bagyong Betty.

Nakahanda na rin ang mga lokal na pamahalaan na bagamat hindi aniya direktang tatama ang bagyo sa rehiyon ay maiging binabantayan sakaling bumuhos ang malakas na pag-ulan.

Ayon sa MMDA, nakahanda ang masa 71 pumping stations sa Metro Manila sakaling lumakas ang mga pag-ulan upang madaling mapapahupa kung meron mang pagbaha.

Isa sa pinakamalaking pumping stations sa rehiyon ay ang Libertad pumping station sa Pasay.

Nagpapatuloy dun ang paglilinis at pagtanggal ng mga barado sa drainage system sa rehiyon.

Umapela naman ang MMDA sa mga residente na huwag magtapon ng mga basura sa mga drainage para maiwasang magbara.