-- Advertisements --

Kasalukuyan nang pinagaaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga kaukulang kaso na isasampa nila sa grupo ng Manibela dahil sa ginawang pagkuyog ng mga miyembro nito sa mga personnels ng ahensya na nagsasagawa ng clearing operations sa Connecticut Street na bahagi ng Mabuhay Lane.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando ‘Don’ Artes, mariing na kinokondena ng kanilang pamunuan ang ginawang pagkuyog ng mga miyembro ng grupo sa kanilang mga tauhan na siyang tumutupad lamang aniya sa kanilang mandato.

Paliwanag niya, nasa legal team na ng kanilang ahensya kaso at nakikitang isang paglabag at aniya’y isang assault in person in authority ang ma naging aksyon na ito ng Manibela.

Makikita din naman aniya na maling hinarang ng grupo ang kanilang mga dalang pampasaherong jeep sa mga lansangan at nagkilos protesta sa gitna ng kalsada na siya aniyang nagdudulot ng matinding trapiko sa bahaging ito.

Pinagsabihan din aniya ng maayos ng kanilang mga personnels ang grupo na tumabi ay ayaw aniyang makinig ng mga ito at mukhang sinasadyang harangan ang mga daanan.

Ani Artes, ito ay kanilang modus para umano masabi na matagumpay nilang naisagawa ang kanilang transport strike na nagtagal ng tatlong araw.

Samantala, sa kabila nito, kanilang nirerespeto ang karapatan ng grupo na magpahayag ng kanilang saloobin at ipanawagan ang kanilang mga hinaing ngunit panawagan ni Artes sana ang karapatan aniya na ito ay hindi rin nakakatapak ng karapatan ng iba.