Pinaghahanda na ng Metropolitan Manila Development Authority(MMDA) ang publiko sa tiyak na pagbigat ng daloy ng trapiko s mga susunod na araw, kasabay ng papalapit na kapaskuhan.
Kinabibilangan ito ng mga lansangan ng Metro Manila, ay mga karatig na lugar, na kumukunekta sa kamaynilaan.
Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, nakatakda na silang muling magsagawa ng volume count sa mga dumadaang sasakyan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, lalo na sa Edsa, pagsapit ng Oktubre.
Aniya, nakumpleto na ng MMDA ang mga ilalatag na security measures, at inaasahang sisimulan na ang implementasyon pagsapit ng mga panahon na dagsa na ang mga bisita, na magiging dahilan ng mabigat na daloy ng trapiko.
Ilan sa mga inihahandang measures ng MMDA ay ang pagsasaayos sa trapiko sa mga eskwelahan, koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, at ang posibilidad ng pagpapakalat ng mas maraming mga traffic officers.
Batay sa nakalipas na projection ng MMDA, malimit na tumataas ng 10% ang bilang ng mga sasakyan sa tuwing sumasapit ang ‘ber’ months.
Ayon kay Atty Artes, nakapagsagawa na sila ng traffic assessment para sa mga susunod na buwan na siyang magsisilbing basehan ng kanilang mga preparasyon.