-- Advertisements --
May mga nakalaang plano na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maibsan ang tumitinding trapiko sa Metro Manila lalo na at nalalapit ang tinatawag ng Christmas Rush.
Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes, na sila ay makikipagpulong sa mga mall owners sa mga susunod linggo para pag-usapan ang maaring pag-urong ng pagbubukas at pagsasara ng mga malls.
Gaya rin ng mga ginagawa nila noon pa ay maaring ipatupad din nila ang mga pagpili ng mga araw kapag magkakaroon ng ‘Sale’ ang mga malls.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sila sa mga iba’t-ibang ahensiya para tuluyang maplantsa ang mga plano sa pagbabawas ng trapiko sa Metro Manila.