-- Advertisements --
supreme court

Pinagkokomento na ng Supreme Court (SC) ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa tatlong petisyon na kumukwestiyon sa ligalidad ng inilabas nitong regulasyon na nagbabawal sa mga provincial bus terminsal sa kahabaan ng EDSA.

Sa press release ng Korte Suprema, binigyan ng mga mahistrado ang MMDA ng 10 araw para magsumite ng kanilang komento sa tatlong petisyon laban sa provincial bus ban.

Nagdesisyon na rin ang SC na pagsama-samahin na lamang ang tatlong petisyon sa isyu.

Kabilang sa mga petitioner sa kaso sina Albay 2nd district Rep. Joey Salceda, Ako Bicol Partylist at ang Makabayan Bloc.

Iisa ang hirit ng tatlong petitioner sa SC na magpalabs ng Temporary Restraining Order (TRO) para maipatigil ang implementasyon ng MMDA regulation number 19-002 series of 2019 o ang pagbabawal na magkaroon ng terminal ng mga provincial bus operators sa EDSA.

Magsisilbing ponente sa kaso si Associate Justice Ramon Hernando.