Iginiit ng Metropolitan Manila Development Authority na panahon na para i-modernisa o major upgrade ang drainage system sa Metro Manila.
Ginawa ni MMDA Chair Don Artes ang naturang pahayag kasabay ng isinagawang briefing ng House Committee on Metro Manila Development.
Tinalakay dito ang mga usapin o isyu ng mga serye ng pagbaha sa Metro Manila tuwing walang humpay ang mga pag-ulan dulot ng kalamidad.
Partikular na na ungkat ang pagbaha sa Metro Manila dahil sa hagupit ng bagyong Carina at habagat.
Batay sa datos ng ahensya, pumalo sa 1.5 billion na drum ng tubig ang ibinuhos ng ulang Dala ni Carina noong July 24 ng kasalukuyang taon sa Metro Manila.
Sa kasagsagan ng baha ay umabot sa 74 millimeter per hour ng tubig ang dumaloy sa mga drainage system ng kalakhang Maynila habang aabot lang sa hanggang 25 millimeter per hour ang kaya nitong I accommodate
Karamihan rin aniya sa mga Drainage system ay itinayo noong 1970s pa at barado na ito ng mga basura at putik.
Suhestyon ngayon ng MMDA kay PBBM na magkaroon ng 50 year drainage master plan katuwang ang DPWH.
Ito ay maaari rin itulad sa Netherlands kung saan ang mga Drainage Plan ay Batay sa estimation ng dami ng ulan at magiging Taas ng lebel ng tubig sa kanilang dam