Magsasagawa ng pagpupulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga local opisyal ganon din ang mga transport group ngayong araw.
Kasunod ito sa kautusan ng Land Tranportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na isara ang lahat ng mga bus terminal sa kahabaan ng EDSA simula Agosto.
Nakasaad sa memorandum ng LTFRB na ang mga buses na galing norte ay hanggang interim terminal na lamang sa Valenzuela City habang ang mga Southern Luzon, Visayas and Mindanao na may terminals sa Cubao, Quezon City ay gagamitin ang terminal sa Sta. Rosa City, Laguna.
Ang mga Provincial buses na may terminal sa Pasay City ay didiretso ang rota sa Paranaque Integrated Terminal Exchange.
Inalmahan naman ni Atty. Arnel Inton ang pangulo ng Lawyers for Commuters, Safety Protection ang nasabing kautusan ng LTFRB dahil ito ay magiging pahirap sa mga pasahero.