-- Advertisements --
Nakatakdang pulungin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga haulers at mga truckers para talakayin ang kaligtasan sa kalsada.
Kasunod ito sa naganap na madugong karambola na nagresulta sa apat katao ang nasawi at ikinasugat ng mahigit 30 iba pa.
Sinabi ni Atty.Romando Artes, na mahalaga na mabigyan ng karampatang pag-aaral ang mga drivers ng malalaking sasakyan gaya ng mga trucks.
Magugunitang nawalan umano ng preno ang nasabing trak ng ito ay bumangga sa maraming mga sasakyan na nagresulta sa matinding trapiko.
Nagsampa na ng kaso ang mga biktima laban sa truck driver na unang tumakas at kalaunan ay sumuko rin sa mga otoridad.