Puspusan ang isinasagawang paglilinis ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority sa Ilog Pasig lalo na at pormal nang idineklara ang La Niña sa Pilipinas.
Ngayong tag-ulan daw kasi ay malalago at makakapal ang mga water hyacinth sa naturang ilog kung kaya’t kinakailangan nilang mas magsumikap na linisin ito upang mapanatili ang matiwasay na operasyon ng Pasig River Ferry Service.
Ang naturang ferry service kasi ay nagsisilbing alternatibong transportasyon ng mga mananakay sa araw-araw kung kaya’t tinitiyak ng MMDA ang pagpapanatili ng kalinisan ng ilog at para hindi rin naaantala ang biyahe nito.
Kaya naman gumamit na rin ang mga kawani nito ng trash skimmer, crane, backhoe, at dump truck sa para mabilis nilang makolekta ang nasabing water hyacinth lalo na sa malapit sa Jones Bridge sa Maynila.