-- Advertisements --

Kasabay ng tumitinding init ng panahon, pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na huwag mag-iwan ng rubbing alcohol sa loob ng sasakyan.

Sa kanilang Twitter post ngayong araw, nakasaad na ang alcohol ay “flammable” o nasusunog kaya dapat ay ilagay ang alcohol sa mga lugar na ang temperatura ay hindi lalampas sa 30° Celsius (°C).

Sa weather forecast ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) kahapon, ang heat index o nararamdamang init sa katawan ng isang tao ay posibleng aabot hanggang sa 38°C sa susunod na limang araw partikular sa Quezon City.

Nitong Marso 16 nang pormal na ideklara ng PAGASA ang tag-init sa bansa, kinabukasan nang maitala ang pinakamataas na heat index na 53°C sa Dagupan City, Pangasinan.