-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang assessment ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa nabuong “sinkhole” sa gitna ng Sales Road malapit sa Villamor Air Base sa lungsod ng Pasay.
Sinabi ni MMDA chairman Romando Artes na kanilang susuriin mabuti kung makakaapekto ba ang nasabing sinkhole sa integridad ng pundasyon ng Skyway.
Kanilang tutukuyin din ang mga pinagmulan ng tubig bago nila takpan at sementuhin ang nasabing butas.
Nagtulong-tulong na aniya ang mga iba’t-ibang ahensiya gaya ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Maynilad at Skyway para malaman ang solusyon sa nasabing paglabas ng sinkholes.