-- Advertisements --

Sumulat ng isang liham ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa opisina ni Sen. JV Ejercito para humingi ng klaripikasyon sa naging mga pahayag ng senador tungkol sa isang isidente na kinasangkutan ng isa sa kanilang mga opisyal na si MMDA Special Operations Group Strike Force Head Gabriel Go.

Sa liham, ipinaliwanag ni MMDA Chairman Atty. Romando ‘Don’ Artes na simula ng muling matanggap sa pamunuan ng MMDA si Go ay wala silang kahit anumang mga complaints na natanggap o naipasa sa Committee on Decorum and Investigation (CODI).

Nakasaad din sa liham ang isang follow up letter ng CODI kung saan mismong ang decorum na ang nag-follow up sa hindi umano’y biktima ng harassmet ni Go ng mga reklamo at kaukulang mga dokumento na kakailangin para sumailalim sa tamang proseso at aksyon ang insidente.

Sa kabila ng mga aksyon na ito, wala umanong natanggap ang decorum na mga dokumento o mga ebidensya sa mga naturang alegasyon na ito kay Go.

Sa kabilang banda, nagisyu na ng Show Cause Order ang kanilang tanggapan kay Go matapos ang ang naging asal nito sa naging clearing operations kung saan sangkot ang isang opisyal ng pulisya.

Kasunod nito ay, tiniyak ng ahensya na mananatili silang tapat at sisiguruhing dadaan sa tamang proseso ang naturang isyu at kung mapatunayang totoo ang mga alegasyon ay papatawan ng mga kaukulang disciplinary action ang sangkot na opisyal.