Maglalagay ang Metropolitan Manila Development (MMDA) ng 14 na lay-bys sa ilalim ng flyover sa may EDSA, C5 at Commonwealth Avenue para may pansamantalang masisilungan ang mga nakamotorsiklo mula sa buhos ng ulan sa panahon ng tag-ulan.
Ayon kay MMDA Chairperson Romando Artes, layunin ng ahensiya na buksan ang lay-bys para sa publiko sa buwan ng Hulyo.
Dagdag pa ng ahensiya na magbibigay ang isang motorcycle taxi ride-hailing service na Angkas ng 10 bicycle repair shops na may basic repair at vulcanizing tools.
Una rito, kahapon Mayo 30 opisyal ng idineklara ng state weather bureau ang pagsisimula ng rainy season sa ating bansa.
Gayundin, mataas ang tiyansa na mag-develop ang La Nina phenomenon sa Hulyo, Agosto at Setyembre na nangangahulugan na makakaranas ng above normal rainfall conditions sa ilang parte ng bansa partikular na sa pagtatapos ng 2024.