Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority na kanilang susundin ang kautusan ni PBBM na pansamantala munang ipahinto ang panghuhuli at pag-ticket at pag-iimpound ng mga -bike, e-trike, tricycle, maging pedicab na dadaan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Kung maaalala, ipinag-utos ng Punong Ehekutibo ang pagpapatigil sa panghuhuli ng ahensya sa mga nabanggit na uri ng sasakyan.
Ayon kay MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes ang naging desisyon ng Pangulo ay kanilang iginagalang at naiintindihan.
Sa loob naman ng isang buwang palugit ay paiigtingin ng MMDA ang pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa panukalang ipagbawal ang mga nasabing sasakyan sa mga major thoroughfare sa Metro Manila.
Nilinaw rin ng opisyal na bagamat hindi sila manghuhuli ay magpapatuloy naman sila sa paninita sa mga sasakyang ito na dadaan sa mga highway.
Layon ng hakbang na ito na ipaliwanag sa mga driver ang mga peligrong dala ng pagbaybay sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila