Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority na magtutuloy-tuloy ang pagsasagawa nila ng clearing at road cleaning operations kahit Holy Week.
Pangunahing layunin ng hakbang na ito na tiyaking magiging maayos ang lagay ng trapiko sa buong Metro Manila.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, kaisa ang kanilang ahensya sa paggunita ng Semana Santa bagamat kailangan nila na ipagpatuloy ang kanilang trabaho.
Nakatakda kasing isagawa ang mga road-reblocking sa ilang major thoroughfare sa Kalakhang Maynila kayat kinakailangan na maayos ang mga dadaanang ruta ng mga motorista
Una nang sinabi ng ahensya na magpapakalat sila ng 2,542 traffic personnel at 468 assets na binubuo ng tow trucks, motorcycles, patrol cars at iba pa.
Bubuksan rin ng MMDA ang kanilang Command Center sa Pasig City kung saan maaaring mamonitor ng real-time ang mga kaganapan 24/7 sa pamamagitan ng mga installed CCTV .