-- Advertisements --

Handang tumulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maibsan ang tumitinding trapiko sa lungsod ng Baguio.

Kumukuha na ng mga data at iba’t-ibang impormasyon sa kalagayan ng trapiko sa Baguio para pag-aralan ang kanilang gagawin hakbang.

Nakipagpulong na rin si Mayor-elect Benjamin Magalong sa mga engineers ng MMDA para sa ipapatupad nitong “grand rehabilitation” sa lungsod.

Nag-alok din ang MMDA na ibigay na lamang sa nasabing lungsod ang mga secondhand traffic light systems para mapalitan na ang mga sira-sirang traffic lights ng lungsod.