Nalagpasan ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang record ng first-day ticket sales ng 2022 film festival, ayon kay MMFF Chairperson Atty. Don Artes.
Nagpasalamat si Atty. Artes sa publiko sa pagpapakita ng suporta sa pelikulang Pilipino.
Ang matagumpay na pagtaas ng ticket sales ng sampung MMFF entries ay nagpapatunay sa gumagandang kaledad ng mga lokal na pelikula, ayon sa chairperson.
“Apart from long queues at cinemas since December 25, the first day of this year’s film festival grossed more than the first-day ticket sales in 2022.”
Inabisuhan din ni Atty. Artes at ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang publiko patungkol sa mga pekeng posts na kumakalat sa internet patungkol sa di umano’y kinita ng bawat pelikula.
Hindi naglalabas ang MMFF ng kinikita ng mga film entries para maiwasan na maapektuhan ang desisyon ng masa patungkol sa pelikulang panonoorin, wika ng MMFF chairperson.
Hangad ng MMFF ang pagkakaroon ng pantay na exposure at suporta para sa bawat pelikula, aniya.
Samantala, ginanap ang pagbibigay-parangal ng MMFF para sa mga nanalong pelikula at mga aktor sa iba’t-ibang kategorya kagabi.
Mapapanood sa sinehan ang sampung pelikulang kalahok sa MMFF hanggang January 7, 2024.