-- Advertisements --
Magiging dalawang beses na sa isang taon ang gagawing Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ito sa 2020.
Unang isasagawa ang MMFF mula Abril 11-21.
Ang nasabing desisyon ay matapos ang ginawang pulong ng nasabing ahensiya.
Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, na ipinanukala ni Senator Christopher Bong Go ang nasabing pagkakaroon ng dalawang MMFF sa isang taon bilang suporta sa mga pelikulang Filipino.
Ang pangalawang edisyon ng MMFF ay tatawaging Metro Manila Summer Film Festival o MMSFF.