-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na magpapalabas sila ng 50 pelikula na nagkakahalaga ng P50.
Ang nasabing programa ay bilang bahagi ng kanilang “Sine Sigla sa Singkuwenta 50@P50” program bilang pagdiriwang ng kanilang ika-50 anibersaryo.
Magsisimula ang pagpapalabas mula Setyembre 25 hanggang Oktubre 15 sa mga piling sinehan.
Sinabi ni MMFF overall concurrent chairman Atty. Romando Artes na ang programa ay bilang bahagi ng promosyon nila sa mga lokal na pelikula.
Ilan sa mga pelikula ay kinabibilangan klasiko, award-winning at highly acclaimed na mga pelikula.
Muling nirestored ang nasabing mga pelikula para sa mga makabagong manonood.