Umarangkada na ngayong araw ang Metro Manila Film Festival 2023 Parade of Stars na sinalihan ng ilang sikat na mga artista.
Inantabayanan at dinaluhan ito ng napakaraming fans sa mga dinaanang ruta ng parada mula sa Navotas Centennial Park hanggang sa Valenzuela People’s Park.
Agaw-pansin sa naturang parada ang mga makukulay at naglalakihang floats ng mga pelikulang kasali sa MMFF 2023 na mapapanood sa mga sinehan nationwide ngayong kapaskuhan.
Kabilang sa parade ang mga cast ng 10 MMFF entries na Family of Two, Kampon, Penduko, Rewind, Becky and Badette, Broken Heart’s Trip, Firefly, GomBurZa, Mallari at When I Met You in Tokyo
Dumagundung naman ng hiyaw at tili nang makita ng fans ang mga naglalakihang artistang nakasakay sa floats na wumawagayway sa kanila; Kasama sa ilang star-studdd na parada ang celebrities na sina Eugene Domingo, Pokwang, Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Mapapanood na ang MMFF 2023 movies sa mga sinehan nationwide simula sa mismong araw ng Pasko o December 25 hanggang January 7, 2024.
Ang Metro Manila Film Festival ay taunang movie festival na isinasagawa ng Metropolitan Manila Development Authority upang ipromote ang preserbasyon ng pelikulang Pilipino. (Written by: PJ