-- Advertisements --

Dadaan sa apat na lungsod ng CAMANAVA area ang float ng mga kalahok ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon ka Atty. Romando Artes, ang hepe ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na siyang namumuno ng MMFF na ito ang unang pagkakataon na dadaan sa nasabing lugar ang mga floats.

Magsisimula ang parada sa Navotas Centennial Park sa Navotas City at dadaan sa Circumferential Road 4 sa Malabon City, Samson Road sa Caloocan City , Manila Central University ,
Malabaon Zoo, McArthur Highway at magtatapos sa People’s Park sa lungsod ng Valenzuela.

Mayroong kabuuang 8.77 kilometers ang lalakbayin ng parada at tatakbo lamang ito ng 3 kilometers per hour na magtatagal ng hanggang tatlong oras.

Magpapakalat naman ang MMDA ng 1,000 na mga tauhan nito para magbantay sa daloy ng trapiko.