-- Advertisements --

Inanunsyo ng Manila North Cemetery (MNC) na papayagan nilang makapag linis ang mga kaanak ng kanilang mga puntod hanggang Oktubre 29, Martes taong kasalukuyan.

Bukas ang MNC ng Alas-5 ng umaga hanggang Alas-7 ng gabi sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, 2024.

Hindi naman papayagan ang mga sasakyan na pumasok ng sementeryo habang ihihinto pansamantala ang mga burial ceremony at cremation.

Hindi rin papayagan ang mga Campaign paraphernalia para sa May 2025 elections at ilang mga tent na may mukha ng mga politicians.

Ipapakalat naman ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 18,000 pulisya sa buong bansa para sa selebrasyon ng Undas 2024.

Samanatala, naglabas naman ng special non-working days ang Malacañang para sa November 1 (All Saints’ Day) at November 2 (All Souls’ Day).