CENTRAL MINDANAO-Nagsilikas ang mga sibilyan nang sumiklab ang engkwentro ng magkaaway na grupo sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay Kumander Fred Matiagal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sinalakay ang kanilang posisyon ng grupo ni Kumander Gani Sandang ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Brgy Patadon Matalam North Cotabato.
Dahil sa takot ng mga sibilyan ay lumikas sila patungo sa mga ligtas na lugar.
Sinabi ni Kumander Matiagal na hinahanap umano ng grupo ni Kumander ng MNLF 15th council ang dati nilang mga kasamahan kaya pumasok ito sa kanilang lugar, bagay naman na itinanggi ni Matiagal, dahil wala sa kanilang grupo ang mga tauhan ni Sandang resulta ng mahigit isang oras na barilan.
Natigil lamang ang engkwentro nang mamagitan ang mga lider ng dalawang grupo,mga muslim elders at mga opisyal ng bayan.
Dagdag ni Kumander Matiagal na hindi sumusunod sa kasunduan ang MNLF dahil pumasok sila sa kanilang lugar na walang pahintulot at koordinasyon mula sa kanilang hanay.
Takot parin ang mga sibilyan na bumalik sa kanilang mga tahanan dahil baka muling sumiklab ang gulo.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang negosasyon ng Central Committee ng MILF at MNLF para wakasan ang alitan ng dalawang grupo.