-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang mataas na lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pamamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Datu Jordan Tayuan alyas Kumander Jordan ng MNLF-Misuari faction.

Ayon kay Midsayap Chief of Police Lieutenant Colonel Rolly Oranzaf na nanunuod lang ng TV ang biktima sa loob ng kanyang bahay sa Purok Uno Barangay Bual Sur Midsayap Cotabato nang pasuklin ito ng mga hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola at M16 Armalite rifles.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng kulay itim na mini van patungo sa direksyon ng Datu Piang Maguindanao Del Sur.

Patay si Kumander Jordan nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Rido o personal na alitan ang nanatanaw ng Midsayap MPS sa pamamaril sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.