KORONADAL CITY – Hinimok ng pamunuan ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang Duterte administration na bigyan na ngayon ng atensiyon at palakasin ang pangangampanya at ipatupad na ang pederalismo.
Ayon kay Atty. Emmanuel Fontanilla ang tagapagsalita ng MNLF, sa ngayon nararapat lamang na pagbigyan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pederalismo na sinusuportahan ng MNLF sa pamumuno ni Nur Misuari.
Dagdag pa ni Atty. Fontanilla, nararapat lang na pagbigyan ng administrasyon ang hiling na pederalismo gaya ng pagbigay halaga sa BOL.
Naniniwala ang MNLF na ang pederalismo ang makapagbibigay ng full autonomy sa bansa at makapagbibigay ng patas na pag-unlad sa bawat rehiyon.
Una rito, inihayag ng Presidential Communications Operations Office na nagpa-power nap pa ang kampanya ng administrasyon para sa pederalismo o charter change upang makapag-ipon ng dagdag na mga suporta at mas mapalakas ang pag-educate sa mga mamamayan kaugnay sa magandang epekto ng federalism sa bansa.