-- Advertisements --
Plano ng Moro National Liberation Front (MNLF) na makibahagi sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ngayong linggo ay unang naghain ng isang petisyon ang Bangsamoro Party (BAPA) na pinamumunuan ng MNLF sa Comelec office sa Cotabato City.
Kung mapagbibigyan ito ay makakasali na ang MNLF sa kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM.
Sa kasalukuyan, ang BAPA ay may tinatayang 200,000 na mga miyembro at mga supporter sa loob ng anim na probinsya at tatlong syudad ng Bangsamoro Region.
Ang BAPA ay unang nairehistro sa COMELEC central office mahigit isang taon na ang nakakalipas.
Ito ay nkarehistro bilang isang regional political party.