Pumanaw na ang isa sa lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) Yusop Jikiri.
Nagsilbing Sulu governor at representative ng first legislative district ng Sulu.
Ilan sa mga personalidad na nagpaabot ng kanilang pakikiramay ay sina Bangsamoro Government Executive Secretary Abdulraof Macacua, MNLF Central Committee First Vice Chairman Punduma Sani at mga parliment members na sina Zia Alonto Adiong, Sittie Shahara “Dimple” Mastura at Marjanie Macaslong Mimbantas.
Itinuturing naman ni AFP Spokesperson Brig. General Edgard Arevalo si Jikii na naging kasangkapan para maisakatuparan ang 1996 Final Peace Agreement.
Binuo ang MNLF noong dekada 70 para maging malaya at ito ay nakakuha ng otonomiya noong 1996 peace agreement.
Isa itong breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front hanggang naisabatas ang Bangsamoro Organic Law noong 2018.