CAGAYAN DE ORO CITY – Pinayuhan ngayon ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang gobyerno na palakasin pa ang kampanya ukol sa federal government draft habang naglilibot sa mga lugar sa bansa.
Ginawa ni MNLF spokesperson Atty. Emmanuel Fontanilla ang pahayag matapos ang halos hindi umano pag-usad sa mga ginagawang hakbang ng gobyerno upang maipaunawa nang husto sa taumbayan kung ano ang ibig sabihin ng pederalismo.
Iminungkahi ni Fontanilla sa Malacañang na dapat magkaroon ng malawakang kampanya gamit ang media materials na mababasa ng mga tao ukol sa usapin.
Aminado ito na kahit siya at walang nababasang mga materials kaugnay sa isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na sistemang pederalismo.
Magugunitang mismong si MNLF founder Nur Misuari ang isa sa mga tagasuporta ni Duterte pagdating sa usaping pagbabago ng konstitusyon tungo sa pederalismo na tiyak na makikinabang ang buong bansa partikular ang Mindanao.