-- Advertisements --

Ikinasal na si DJ Mo Twister sa kaniyang longtime partner na si Angelicopter.

Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Iceland nitong Hunyo 15.

Sa kanilang social media account inanunisyo ni Mo Twister o Mohan Gumatay sa tunay na buhay ang masayang balita.

Sinabi nito na matagal na niang naiplano ang nasabing pagpapakasal ng partner na si Angelika Schmeing.

Kuwento pa ni DJ Mo ay naipagpaliban pa ang kanilang kasal dahil sa naranasang snow storm sa Iceland.

Subalit naging pursigido sila kaya naghanap sila ng mga ibang lugar at doon ginanap ang kasl.

Nakabase na sa New York ang dalawa kung saan noong Mayo 2020 ng magpropose si DJ Mo sa walong taon na partner.