-- Advertisements --
Labis ang pagdadalamhati ngayo ni TV host Mo Twister sa pagpanaw ng bayaw nito na si Francis Schmeing matapos dapuan ng coronavirus.
Sa kaniyang Instagram post sinabi nito na hirap matanggap ng asawa nitong si Angelika ang pagkawala ng kapatid.
Dagdag pa nito na ilang araw rin siyang umiiyak dahil dama niya ang hirap na pinagdaanan ng asawa at maging ang kaniyang mga in-laws na nawalan ng anak.
Ikinalungkot din nito dahil sa nasabing panahon ay hindi sila nabibigyan ng pagkakataon na mabisita o makita lamang ang bangkay ng pumanaw na bayaw.