-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Isang ceremonial MOA signing ang isinagawa sa pagitan nina Department of Social Welfare and Development 12 Regional Director Loreto V. Cabaya at Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa Provincial Governor’s Office, Amas, Kidapawan City.

Nakasaad sa MOA ang Relief Prepositioning Agreement kung saan mag-iimbak ng mga Emergency food and Non-food relief items ang DSWD 12 sa probinsya para sa mas mabilis na pagtugon sakaling may mga sakuna o kalamidad na mararanasan ang lalawigan o kalapit na mga lugar nito.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan nina Dating Board Member Rose Cabaya, Acting Provincial Social Development Officer Arleen A. Timson at ilang mga kawani mula sa DSWD Region 12.