Pormal nang piniramahan ng Department of Justice Board of Claims at ng Commission on Human Rights (CHR)ang isang MOA para sa isang partnership na layuning magtatag ng referral system para sa mga biktima ng mga pang-aabuso sa karapatang pantao.
Kabilang na rito ang mga biktima ng Extra-Judicial Killings (EJKs), torture, enforced disappearances at iba pa
Pormal na dumalo sa ceremonial signing ang kinatawan ng DOJ na si Undersecretary-in-Charge for BOC Deo Marco at CHR represented by Chairperson Richard Palpal-latoc.
Itinakda ng MOA ang mga tungkulin at responsibilidad na dapat gampanan ng bawat partido sa pagtulong sa mga biktima na mabigyan ng karampatang tulong pinansyal.
Ang Referral System ay isang informal process na pinasimulan ng CHR na nagdidirekta at nag-eendorso sa mga biktima ng mga pang-aabuso sa karapatang pantao na may mga nakabinbing kaso sa DOJ BOC .
Ito rin ay upang maproseso ang kanilang mga claims sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 7309 o mas kilala bilang “ The Board of Claims .”
Sa ilalim ng MOA, obligado ang DOJ na tanggapin at suriin ang mga referral para sa mga claim mula sa CHR, magbigay ng docketing system para sa mga kasong isinangguni, magsagawa ng mga pagsasanay, seminar at focus group discussion para sa CHR tungkol sa Victims Compensation Program.
Sa kabilang banda, ang CHR ay may mandato na ipaalam sa kanilang mga kliyente ang tungkol sa pagkakaroon ng referral system, tulungan at i-refer ang mga kwalipikadong aplikante, humirang ng focal person, tumanggap ng mga referral mula sa DOJ para sa mga claimant na hindi kabilang sa RA No. 7309 at lumikha ng imbentaryo ng mga nakaraang kaso na maaaring maging kwalipikado pa rin sa Victims Compensation Program.