CENTRAL MINDANAO-Sa hangaring mabigyan ng mas magandang kinabukasan at oportunidad ang mga batang may kapansanan, inaprubahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, ang ugnayan ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato at TEBOW CURE Mobile Clinic, Davao City.
Ang partnership na ito ay magbibigay daan upang isagawa ang “MOBILE CLINIC SCREENING FOR CHILDREN WITH DISABILITIES”, ngayong araw, March 17, dakong alas 8:00 ng umaga sa The Basket, Capitol Compound, Amas, Kidapawan City.
Magkakaroon ng consultation at sponsored corrective surgeries after assessment sa mga batang nasa edad 0 to 18 na may limb deformity, club foot/feet, burn contracture, cleft lip, cleft palate at iba pang orthopedic impairments mula sa birth hanggang sa post traumatic, tulad ng untreated injuries dahil sa accidents or deformities matapos dumaan sa medical procedure.
Hinihikayat ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na siyang mangunguna sa naturang aktibidad na makipag-ugnayan ang mga Cotabateñong nagnanais na makapag-avail ng nasabing serbisyo sa kanilang Municipal Social and Welfare Development Officer (MSWDO).
Pinapaalala din ang pagdala ng sapat na tubig na maiinum at baong pagkain.