CENTRAL MINDANAO – Layunin ng Lokal na pamahalaan ng Libungan, Cotabato na magamit ng tama ng mamamayan ang pera ng gobyerno.
Bago lang ay inilunsad ng LGU-Libungan ang Mobile Market.
Sinabi ni Libungan Cotabato Mayor Christopher “Amping” Cuan, ang Social Amelioration Program (SAP) ay para pambili ng ng basic needs (pagkain).
Kaya naisipan ng LGU Libungan ang mobile market upang mabigyan ng mabuting serbisyo ang mga nasasakupan nito.
Sa paglagay nito hindi na mahirapan ang mga recipients ng SAP na bumili ng pagkain dahil mayroon ng naka-display na mula naman sa mga Registered Business partners sa Public Market.
Paalala ni Mayor Cuan sa lahat na recipients, gamitin sa tama ang perang na nakuha mula sa gobyerno.
Nagbabala naman ang alkalde sa mga residente na gagamitin ang SAP sa sugal at pambili ng nakakalasing na inumin na siguradong may kalalagyan sila.