Ipagbabawal na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paggamit ng mga electronic device sa mga sensitibong military environment o military zones.
Ito ay bahagi ng kanilang pinalakas na security measures para maprotektahan ang mga hawak na kritikal o mga clasified information, critical infrastructure, at maprotektahan ang buong sandatahan.
Ayon sa AFP, mahalaga ang naturang hakbang upang mapigilan at maiwasan ang mga cyber espionage at unaurhorized access sa mga kritikal na impormasyon.
Paliwanag ng AFP, nakahanda itong protektahan ang mga kapabilidad at gumawa ng kaukulang hakbang upang komprontahin ang mga traditional at non-traditional security challenges.
Giit ng AFP, ang device-free policy nito ay hindi lamang magsisilbing safeguard sa mga classified information na pinoprotektahan ng Sandatahan kungdi patatatagin din nito ang operational integrity ng mga kritikal na imprastractura ng militar.