-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Isasagawa ang mobile vaccination sa September 6, 2021 sa Tumauni, Isabela na pangungunahan ng Phil. Red Cross Isabela Chapter.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Chapter Administrator Josie Stephany Cabrera ng Phil. Red Cross Isabela Chapter ang mobile Vaccination Clinic ay isang Victory Bus .

Sa initial screening ay kinakailangang mayroong venue tulad ng Community Center o Paaralan subalit ang sasailalim na sa vaccination ay nasa loob ng bus.

Ang kagandahan anya ng mobile vaccination clinic ay ito na mismo ang lalapit sa mga sasailalim sa vaccination.

Batay anya sa kanilang pakikipag-ugnayan kay Dr. Arlyn Lazaro ng Provincial Health Office ay kanyang iminungkahi sa PRC Isabela na unahin ang mga bayan na mayroong mataas na kaso ng COVID-19.

Sinabi pa ni Isabela PRC Chapter Administrator Cabrera na maaring sa Lunes,September ay sisimulan nila ang mobile vaccination sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Nakalaan para mabakunahan sa bayan ng Tumauini ay 1,500 na mayroong apat na schedule at ang listahan ng mababakunahan ay magmumula sa Rural Health Unit.

Susunod na pagsasagawaan ng mobile vaccination ay sa Cabagan na susundan ng Lunsod ng Ilagan at Cauayan.