-- Advertisements --

Humarap sa mga opisyal ng National Bureau of Investigation si OWWA deputy administrator Mocha Uson para sa imbestigasyon ng reklamong misinformation laban sa kanya.

Personal na dumating nitong umaga sa NBI headquarters sa Maynila si Uson matapos padalhan ng subpoena.

Nitong Abril nang i-post umano ng OWWA official sa kanyang Facebook page ang delivery ng 15,000 PPE sets na binili raw ng Department of Health.

Pero natukoy na isa sa mga larawang pinost ni Uson ay mula sa isang pribadong foundation.

Una nang humingi ng paumanhin ang opisyal kaugnay ng kumalat na post.

Dati na ring humarap sa parehong reklamo si Uson matapos naman ang blogpost nito noong 2016 kung saan pinilit umanong mag-protesta ng isang Catholic school sa Maynila ang kanilang mga estudyante.