-- Advertisements --
Mocha on preggy issue

Mismong si Mocha Uson na ang nanindigan na kasinungalingan lamang ang kumakalat sa social media na nagdadalang-tao raw siya sa anak nila ni Robin Padilla.

Idinaan din nito ang kanyang buwelta sa pamamagitan ng pag-post ng video nito habang nagwi-work out na tila ba ibinibalandra ang flat nitong tyan.

Sa pahayag ng 38-year-old lead singer ng sexy group na Mocha Girls, nakakahiya kay Robin at sa asawang TV host na si Mariel Rodriguez na aniya’y napakabait na tao.

Partikular nitong binanggit ang mga kalaban daw ng gobyerno kaya sinisiraan sila ni Binoe lalo’t masugid silang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una nang umalma si Mariel sa pagkadawit ng pangalan ng 51-year-old husband, sa pagsasabing nasa gitna pa ito ng pagluluksa sa pagpanaw ng kapatid kaya sana’y huwag sabayan ng walang basehang tsismis.

Si Mocha o Esther Margaux sa tunay na buhay ay dating assistant secretary sa Presidential Communications Operations Office, bago itinalaga bilang deputy administrator of the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).