Pinapatawag sa National Bureau of Investigation (NBI) si Oversease Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Margaux “Mocha” Uson dahil sa paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act.
Sinabi ni NBI Deputy Director at Spokesperson Ferdinand Lavin na iniimbestigahan si Uson ng kanilang Cybercrime Division dahil sa fake news.
Pinapadalo ito sa NBI office sa Mayo 18 base na rin sa kautusan ni Department of Justice Secratary Menardo Guevarra.
Nagbunsod ang nasabing reklamo dahil sa post ni Uson sa kaniyang blog na tungkol sa personal protective equipment (PPE) na binili ng Department of Health (DOH) subalit binatikos ito ng mga netizens at sinabing donasyon ang nasabing PPE ng isang sikat na mall chains.
Dahil sa pangyayari ay in-edit na ni Uson ang post at humingi ito ng paumanhin.