-- Advertisements --

Itutuloy na ng Commission on Elections (COMELEC) ang gagawing mock elections ganun din ang muling pag-imprinta ng mga balota sa Enero 25.

Sinabini COMELEC chairman George Erwin Garcia, mayroong mga piling lugar ganun sa ibang bansa ang magsasagawa na ng mock elections.

Ang nasabing mock elections ay una ng nai-schedule noong Enero 18 subalit inihinto nila ang pag-imprinta ng balota matapos ang pagpapalabas ng Korte Suprema ng temporary restraining order na inihain ng mga na-disqualified na mga kandidato.

Mula noong Enero ng simulan nila ang pag-imprinta ng balota ay nakapag-imprinta na sila ng mahigit anim na milyon.

Sa nasabing mock elections ay malalaman nila na gumagana ang makina at maging ang mga baterya na gagamitin sa halalan.