CENTRAL MINDANAO-Ginanap ang isang mock face to face class sa Kidapawan City National High School (KCNHS), ang pinakamalaking public high school sa lungsod.
Sinaksihan ito ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista kasama ang pamunuan ng KCNHS sa pangunguna ni School Principal IV Rosalinda Lonzaga, at DepEd Kidapawan School Governance and Operation Division SGOD Chief Remegio Orias. Mga Grade 12 Technical Vocational Livelihood Strand (TVL) at Science and Technology Engineering and Mathematics Strand (STEM) ang lalahok sa actual face to face classes sa December 6, 2021.
Tiniyak naman ng paaralan na ipinapatupad nila ang minimum health protocols matapos nilang maipasa ang lahat ng mga requirements na hiningi ng Deped at ng DOH. Kabilang rito ang paglalagay ng washing area, thermal scanner at sanitizers ganoon din ang paglalaan ng isolation rooms sakaling may guro o mag-aaral na magpapakita ng sintomas ng Covid-19.
May mga markings at notice na ring inilagay sa loob at labas ng paaralan na gagabay sa mga papasok sa paaralan para maipatupad ng maayos ang health guidelines. Humigit-kumulang sa 300 ang bilang ng mga Grade 12 (16 students per classroom) ang papasok sa December 6, 2021, ang unang araw ng face to face ng KCNHS