Nagsagawa na ng mock trial ang House prosecution panel bilang paghahanda sakaling magsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang kinumpirma ni Representative Yzabel Maria Zamora ng San Juan at miyembro ng 11-man House prosecution team.
Sinabi ni Zamora, sa kada article of impeachment ay magpi-prinsinta sila ng mga testigo o di naman kaya ay documentary evidence bagamat tumanggi na siya na idetalye ang kanilang magiging presentasyon.
Wala din nakikitang pangangailangan ang House Prosecution panel na humarap sa paglilitis sina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Itoy matapos banggitin ni VP sara ang kanilang mga pangalan at pinagbantaan sa kanilang seguridad.
Sinabi ni Zamora ang ebidensiya ay nasa video nang mag-live noon ang Bise Presidente at tinutulan na ma-detain sa Kamara ang kanyang Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez.
Naniniwala si Zamora na lalong lumalakas ang kaso ng prosecution laban sa Bise Presidente.
Ito ay kaugnay ng humahabang listahan ng kuwestiyunableng mga pangalan na nakinabang sa confidential at intelligence funds ng Bise Presidente.