Pumanaw na ang model at influencer na si Niece Waidhofer matapos na ito ay magpakamatay sa edad 31.
Nakilala si Waidhofer sa pamamagitan ng pagtulong sa kaniyang followers na dumaranas ng mental health.
Kinumpirma ng kaniyang kaanak na nagpakamatay ito sa kanilang bahay sa Houston, Texas matapos ang matagal ng pakikipaglaban sa mental health.
Naging bukas aniya ito sa kaniyang followers ukol sa pinagdaranan at nagbibigay payo sa mga followers na dumaranas sa kaniyang pinagdadaanan.
Nagtaka lamang ang kaniyang 4.2 million Instagram followers noong nakaraang mga araw dahil tinanggal na ni Niece ang halos lahat ng kaniyang mga larawan sa social media.
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa kaniyang mga fans at nakasama sa modeling.
Nagpabot naman ang mga otoridad na sakaling mayroon silang kakilala o sila mismo ang nakakaranas ng mental health issues ay agad silang lumapit sa mga eksperto para ito ay malabanan agad.