-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan ang model at TV personality na si Chrissy Teigen dahil sa labis na pagdurugo sa kasagsagan ng kaniyang pagbubuntis.

Nasa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles na ito dahil sa pagbubuntis sa ikatlong anak nila ng singer na si John Legend.

Ayon kay Teigen na halos isang buwan na itong dinurugo kung saan sa una ay inakala niya na normal lamang ito sa pagbubuntis subalit nangamba na ito dahil sa patuloy ang pagdurugo.

Tiniyak naman ng 34-anyos na dating Sports illustrated cover na nasa mabuting kalagayan naman ang pinagbubuntis nitong baby boy.

Dumaan kasi sa parehas ng vitro fertilization (IVF) ang naunang dalawang anak nito.