-- Advertisements --

DAVAO CITY – Ibinunyag ni City Director, Colonel Alberto Lupaz na ayon sa imbestigasyon ng Traffic Enforcement Unit, isang Reverse Engineering o RE Badja, Rickshaw ang modelo ng auto rickshaw ang sinakyan ni Architect Vlance Bragas bag-o ito ginahasa at pinatay dalawang linggo na ang nakakaraan sa Banana Plantation, Calinan, Davao City.

Sa ngayon, ang nasabing modelo ang syang sinusundan ng mga pulis.

Sinabi rin ni Lupaz na hindi pa kumpirmado kung suspek ba sa pagkamatay ni Bragas ang mga kasalukuyang nawawala sa Calinan.

Ibinunyag pa ni Lupaz na hindi pa kumpirmado na limang indibidwal ang sangkot dahil sa inisyal na pahayag ng isang testigo, mayroon nang isang pasahero ang sakay ng auto rickshaw bago pa man sumakay si Bragas.

Nilinaw din ng opisyal na hindi totoo ang 4-million reward sa sinumang makakapagbunyag sa lokasyon ng mga suspek.