Hindi umano intensyon ng modelong nauugnay kay Rabiya Mateo na magdulot ng malisya ang larawang ipinost nito kung saan kasama niya ang first ever Miss Universe Philippines.
Ayon kay Andre Brouillette, 24-year-old din tulad ni Rabiya, nagkrus lang ang landas nila dahil nasa pangangalaga sila ng parehong management at nag-host pa siya sa Miss Universe.
Dagdag nito na ang kanilang outdoor bonding ay yaong sinundo ang beauty queen sa airport at lahat sila ay gutom na kaya nag-lunch sa Beverly Hills.
“So my intention uploading that photo was it was a great time with friends and a great lunch and with Miss Universe Philippines 2020, so great photo to upload for the memories. But then again I can’t control what people say and not everything people say is true,” saad pa ng dating PBB housemate sa Star Magic.
Malaki aniya ang kanyang respeto sa half Indian beauty mula Iloilo at hangad nito ang tagumpay matapos ang Top 21 finish sa 69th Miss Universe coronation.
Nabatid na bago pa man maugnay sa isa’t isa nitong mga nakalipas na araw, mayroon nang larawan sina Rabiya at Andre noong Mayo 7 o bago pa ang big night ng prestihyosong pageant.
Nabatid na umugong ang balitang hiwalay na si Rabiya sa kanyang long time non-showbiz boyfriend matapos burado na sa Instagram ng lalaki ang kanilang mga larawan.
Sa panig ng model/beauty queen, giit nito na walang malisya sa pagiging workmates nila ni Andre.