-- Advertisements --
Moderna2
IMAGE | Photo by Moderna

MANILA – Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng kompanyang Zuellig Pharma Corporation para sa emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccine ng Moderna.

Ayon kay FDA director general Eric Domingo, ang approval ay kasunod ng review ng ginawa ng regulatory at medical experts sa mga datos ng Moderna COVID-19 vaccine.

“Today, after rigorous and thorough review by regulatory and medical experts using the currently available published and unpublished data, FDA is granting an emergency use authorization to Zuellig Pharma Corp. for the…COVID-19 vaccine Moderna,” ani Domingo sa Kapihan sa Manila Bay media forum.

“The known and potential benefits of the Moderna vaccine, when used to prevent COVID-19, outweigh the known and potential risks of said vaccine as of date,” dagdag ng opisyal.

Gawa sa bagong teknolohiya na messenger RNA (mRNA) ang bakuna ng kompanyang Moderna, na nakabase sa Amerika.

Dinevelop ito ng kompanya kasama ang National Institute of Allergy and Infectious Diseases’ Vaccine Research Center.

Batay sa hawak na datos ng Department of Health, may efficacy rate na 94.1% ang Moderna vaccine sa mga symptomatic COVID-19 cases.

Umaakyat pa raw ito ng 100% kapag itinurok sa mga pasyente ng coronavirus na may severe o malalang kondisyon.

DOH COVID VACCINE DETAILS
IMAGE | DOH’s April 19, 2021 data on COVID-19 vaccines/DOHModer

Itinuturok ang Moderna ng vaccine ng two doses sa pagitan ng 28-araw. At tulad ng Sputnik V at Pfizer vaccine, nangangailangan din ito ng ultra low cold storage.

Ang requirement na temperatura sa pag-iimbak ng Moderna vaccine ay -25 to -15 degree celsius.

Maaari raw itong ilagay sa 2 to 8 degree cold storage, pero tatagal lang ng isang buwan.

Kabilang sa mga naitalang adverse events sa mga nabakunahan ng Moderna vaccine sa clinical trials ay pananakit at pamamaga ng injection site, lagnat, sakit ng ulo, pagkapagod, sipon, at pagsusuka.

Una nang lumagda ng tripartite agreement ang pamahalaan ng Pilipinas at private sector sa US company para sa 20-million doses ng kanilang bakuna.

Sa ilalim nito, 13-million doses ang mapupunta sa gobyerno, at 7-million doses ang sa pribadong sektor.

Dahil sa approval ng FDA sa EUA ng Moderna, pitong vaccine brands na ang lehitimo na pwedeng gamitin sa mga Pilipino.

Kabilang na ang sa Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Gamaleya, Sinovac, Bharat Biotech, at Janssen ng Johnson & Johnson.