BUTUAN CITY- Dumating na sa Caraga Region ang bagong brand ng bakuna kontra Coronavirus disease (COVID-19) na Moderna.
Insaktong alas-8:19 ng umaga kania via air freight ng Philippine Airlines lumapag sa Bancasi Airport, Butuan City ang 2 boxes na naglalaman ng 480 vials o 4,800 doses ng Moderna COVID-19 vaccines.
Ang natanggap ng Caraga na Moderna Biotech ay mula sa Spain na ituturok ng dalawang beses sa pagitan ng 28 araw matapos ang unang dose.
Nasa -25 degrees Celsius hanggang -15 degrees Celsius ang storage condition temperature na kinakailangan ng nasanbing bakuna para mapanatili ang bisa nito.
Nabatid na nasa 94 percent ang efficacy ng Moderna vaccine matapos ang dalawang dose.
Pinangunahan naman nila Eleanor Lakag at Ms. Rochie Ramos ng Supply Unit sa DOH CHD-Caraga ang pagsalabung ng nasabing mga bakuna.
Samanatala, 207,302 na ang kabuuang nabakunahan sa Caragga Region as of August 3, 2021